Thursday, April 16, 2009

Sessionista

Sabihin nating hindi ko naman talaga trip uminom ngayon.

Actually, ang habol ko lang talaga kapag iinom ako with my other relatives ay videoke. Kasi it's one way of releasing all my stress. Sarap kumanta at ever since passion ko ang kumanta. That's why I am wondering kung bakit ba ako nagpahatak sa tawag ng pulang kabayo.

Bago pa magstart ang session, marami na akong bagahe. Lovelife, acadz, pressure sa work at lalong lalo na sa family. Kaya siguro dumating sa point na go na ako kahit hindi ko naman talaga trp.

At dahil hindi ko nga trip, wala akong napala at lalo lang akong nademoralisa.

Lubusan ang pag-inog nang kung tawagin natin ay "macho culture" kapag dating sa inuman. Natatanong ko tuloy kung ganoon ba talaga ang takbo ng usapan ng mga straight people... diretso SEX. At ang malupit pa, hindi ko matanggap na ginagawang object of sex ang mga babae.

Kung puwede lang talgang manapak, nanapak na ako. Hindi kasi malulon ng sistema kong naalipusta ang kababaihan at nababansot ang kanilang silbi sa pagtugon sa tawag ng laman ng mga lalake. Pero as usual, it all boils down to culture. And the culture that has been promulgated to us ay ang culture ng naghaharing-uri.

Sa pagkakaroon pa lang ng mga sexy at hubad na babaeng nag-eendorso ng mga alak, kitang-kita agad ang pang-aalipusta sa kababaihan. Hindi pa kasama na sa mga video ng videoke, mga hubad na babaewng pa-pose-pose ang ipinepresenta.

Lalo lang tuloy akong na depressed sa kulturang macho shit na nakita ko.

Ngunit dapat lamang itong hugutan ng inspirasyong baguhin ang kultura't sistemang umiiral. Kung saan, papasok na ang pantay na trato sa lahat ng kasarian at mapapawi na ang diskriminasyon.

PS: Matatawag ko palang mga "walang bayag" ang mga taong naglalasing upang pag-usapan lamang ang mga babae bilang "objects of sex" since humuhugot pa sila ng pampalakas ng loob at init ng katawan sa espiritu ng alak. Mga mapagpanggap. 

No comments:

Post a Comment