"Sama-sama tayo... Lalaban tayo.."
"Ang naghihirap para sa pamilya, hindi dapat pinahihirapan..."
"Kuya commercial ba ito," my nephew asked and he shouted *well, better not to mention because it will be one form of his campaign*.
Marami na ang nagpaparamdam dahil sa susunod na taon, Presidential Election na. At sa tantiya ko, ang pinakamagulong eleksyon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Hindi lamang apat o lima ang napaparamdam ng kanilang pagtakbo sa pagkapangulo. Kung pagbabatayan ang ilang publicity, party endorsements at campaign tactics na lumalabas, tinatayang walo ang maglalaban.
Sino-sino ang iboboto mo? Boboto ka ba ngayong eleksyon?
Marahil isa ka sa maraming magsasabing "Anong sense?", "Sila sila rin naman." "Wala namang pagbabago." "Magdadayaan lang 'yan."
May punto ka kasama. Actually, most of your arguments are true. But then again, let's have a closer look.
"Sila sila rin naman."
Elite. Ruling class. One Percent. Sila pa rin naman ang bumubo ng mga traditional parties na tumatakbo kada halalan. Mga negosyante, mga babad na sa politika ng Pilipinas, mga mayayaman. Paano nga nmana silang makapaglilingkod at makakapagrepesenta kung hindi naman sila galing sa batayang masa?
Kaya nga natatag ang Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o MAKABAYAN-- ang nag-iisang partidong nagmula sa hanay ng masa at magtutungo sa hanay ng masa. Ang partidong binuo ng iba'tibang progresibong organisasyon, personalidad at partylist na subok na sa pakikipaglaban sa karapatan ng mamamayan. Masasabi na natin ngayong may mgrerepresenta nang tunay sa mamamayan.
Bukod pa rin, patuloy pa rin ang existence ng mga progresibong partylists gaya na lamang ng ACT, Kabataang Pinoy, COURAGE, Bayan Muna, Gabriela at ANAKPAWIS na hindi nagsasawang maglingkod sa mamamayan at patuloy na lumalahok sa halalan. Dito, nairerepresenta talgang tunay ang mga "marginalized sectors" ng lipunan.
"Anong sense?"
Bago ka mag-angas itanong mo muna sa sarili mo kung ang basic obligation mo bilang mamamayang Pilipino ay nagawa mo. Tama. Basic obligation ang pagboto at nakahihiya namang angal ka ng angal kung mismong obligasyon mo ay hindi mo ginagawa.
"Magdadayaan lang naman."
Kaya't ang iyong obligasyon ay hindi lamang natatapos sa pagboto. Alam mo na palang may anomalya, papabayaan na lang ba. Sayang naman ang efforts ng pagboto kung madadaya lang kaya itodo na at bantayan hanggang kahuli-hulihan!
"Wala namang pagbabago."
Sigurado ka? Sa isang punto tama pero hindi ang kabuuan. Marami nang napatunayan ang mga progresibong lider natin. Kaya't kung hahayaan na lamang nating kainin na tayo ng sistema, wala tayong pinag-iba sa mga trapong pinagpipilian natin tuwing eleksyon.
Ang parlyamentaryong pakikibaka ay ikalawa lamang ngunit ito'y nanatiling esensyal. Hindi eleksyon ang sagot sa pagbabago ng sistema. Ngunit dahil sa eleksyon, nakakakuha ng ganansya't pakinabang na makapag-aambag sa paglilikha ng magtatapon sa bulok na sistemang umiiral.
18 years old ka ba o mas matanda pa? Puwede na.
Boboto ka ba? Dapat lang.
ganito ang blog na masarap basahin.
ReplyDelete