"Kahit napaka-indibidwalista, naging masaya ako partly after niyang mag-lielow. Faster healing."
"Healed ka na ba talaga?"
"Totally."
Masaya ako noong nakaraang gabi.
Actually, ito ang turning point na hinihintay ko. Hindi upang buksang muli ang relasyon namin. Kundi ibalik (kahit papano) 'yung naging pagkakaibigan namin. 'Yung pagiging magKASAMA namin.
"Love does not consist of gazing at each other, but in looking otgether in the same direction" -Antoine de Saint Exupery.
Una pa lamang, alam ko na ang esensya at mithi ng (naging) relasyon namin. Hindi lamang ito pampuno sa kung tawagin ng burgesya ay physiological needs. Kung tutuusin, sekondarya lamang ito.
Ang mas tinutuon nito ay ang pagpapaunlad pa sa aming mga saril bilang mga organisador at aktibista. Mas pagpapaunlad pa ng landas na aming tinatahak at pagtingin sa pagbubuo ng pamilyang magpapatuloy ng laban ng sambayanan. Dito ang lundo ng lahat.
Ngunti hindi mekanikal ang mga kasama. Kaya nga kahit pangalawa lang ang "sex love", nanatili pa rin itong esensyal sapagkat ito ang nagpapatampok nang kung ano ang nararamdaman ng indibidwal.
Masaya akong magkaalinsabay na nagmamahal ako at nag-aambag ako. Masaya akong nakakapagmulat ako ng mga isipang hindi bukas sa uri ng aming relasyon.
Tama. Mapagpalaya. Kaya nga KR ang bansag at hindi BF o GF dahil sabi nga ni Janinn, ang pakikipagrelasyon ay hindi lamang nakukulong sa heterosexual.
Ngunit, hindi maiiwasan ang pag-iral ng kontradiksyon. May mga kontradiksyong napangingibabawan ngunit may ibang hindi. Walang absoluto ngunit hindi ko sinasabing walang matagumpay na relasyong nakapaloob sa organisasyon.
Mag-iisang taon na kaming hiwalay at may kanya-kanya ng buhay-pag-ibig. Papanindigan ko lang ang binitiwan kong salita kay Julie. OO. naging indibidwalista ako at nagpupuna ako roon. Kaya nga masaya akong hindi na kami nagkaka-ilangan.
Dahil nagkakaroon ako ng kalayaan muli sa kanya. Hindi upang mahalin siyang muli kundi ang organisahin siya.
No comments:
Post a Comment