Thursday, April 23, 2009

The Puppy Metaphor

Once my Soc Sci Prof. Domingcil joked in our class, "Wala namang originality ang mga aktibista ngayon. Tuta, tuta, eh panahon pa ni Marcos 'yung tuta. Dapat lumaki na.. ang tagal na 'nun. Dapat Gloria, aso!"

Everyone laughed except me. For those who do not know anyhting about what he is tackling it is funny (perhaps?).

However, they did not get the metaphor. Activists tag the government "tuta" because it is very loyal to its master--the foreigners, the US particularly. A starting pup is trying to find love and comfort so it will do anything for its master. That is why it is "tuta".

And the "tuta"-ness of this government has rattled the whole country again. For the nth time, they have favored the foreigners. And why the heck am I using the foreign language?

P*tang ina! Ito talaga ang una kong reaksyon matapos kong malamang pinawalang-sala ng Court of Appeals ang rapist na si Daniel Smith. Ngunit hindi na kataka-takang ganito ang magiging senaryo sa isang pamahalaang subok na sa pagtalikod sa mamamayang Pilipino.

Sa umpisa pa lang, kitang-kita na agad ang panghihimod ng puwet ng mga nasa pedestal sa dayuhan na hindi malayong magpalaya kay Smith... na nangyari na nga!

At anong "spontaneous romantic episode" na pinagsasabi ng CA? E di sana hindi siya basta-basta tinapon na lang sa tabi-tabi if it is a "romantic episode". Romantic? Grabeng insulto kay Nicole at sa Pilipina! Tae! 

Sana, dinamitan siya kahit papaano tapos hinatid sa tirahan niya. Common sense. 

Kung tutuusin, dalawa lang ang kailangan para masabing rape ang isang scenario. Una, walang consent ang isang party at pangalawa, may evidence na nagkaroon ng sexual encounter. At kayang suportahan ng mga ebidensya na wala naman talagang consent dahil una, ayaw ni Nicole or kung lasing man siya, still, wala siya sa tamang wisyo magdesisyon at ikalawa, kitang-kita ang condom na ginamit pa ni Smith na may semen pa niya!

The justice system in the Philippines is rotten to its core. (Ooppss.. foreign language!) Hindi na yata dapat Court of Appeals kundi Court of Puppets, Cowards and Clowns.

Muli, hindi pro-people kundi pro-foreigner talaga ang pamahalaan. Masunurin. Tapat. Tagahimod ng puwet. VFA pa lang eh. Tatsulok pa rin. At dapat nang baligtarin ang tatsulok.   

Ngayon sir, justified na ba ang tuta?
Tatawa ka pa ba sa joke ni Sir if this is the scenario the joke is pertaining to?

No comments:

Post a Comment