Sometimes, I get pissed off when the jeepney driver waits too long. Para bang wala siyang konspeto ng oras at walang pakialam sa mga pasahero niya. Mas masakit pa kung kailan late ka na, saka pa siya super petiks.
Naalala ko tuloy kung paano ako na-late sa appointment ko sa Makati (buti na lang at mabait ang employer). Nahiya tuloy ako. Makakapagcreate ako ng bad impression.
Kung tutuusin, ang mga ganitong klaseng driver ang dahilan kung bakit matrapik sa Metro Manila. Sabi ng ilan, mga "garapal", "pasaway", "bakaw". Pero may sumagi sa isip ko. Isang ideyang natutuhan ko sa isang lider-guro.
Makikita raw ang pyudalismo sa trapiko. Para sa hindi pa nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng pyudalismo, ito ang pagkakaroon ng hindi pantay na relasyon sa pagitan ng dalawang uri/tao/bagay. At kaya trapik, dahil may pyudal na sistema.
Matapos kung marinig 'yun, nagtaka ako. Kadalasan kasi, makikita lang ang pyudal an relasyon sa pagitan ng mga magsasaka at landlords nila. Sa siyudad? Paano?
Katulad ng sa mga hindi pagmamay-ari ng mga magsasaka sa lupa, gayundin ang senaryo sa mga jeepney drivers. At ito ang sikat na sikat sa ating "boundary".
Tama. Araw-araw, may kailangang abuting quota ang bawat driver para magkaroon ng ipapakain sa pamilya nila. At bago pa makapag-intrega ng pera si Manong kay Misis, babawasan muna ito ni Amo.
Tindi nga naman ni Amo. Nanonood lang sa bahay tapos sa gabi, bibilangin ang mga jeepn na umuwi at pumasada, aba'y akalain mo ba namang kumikita ng pera.
At hindi lang ang pyudal na relasyon ang sakit sa ulo ng bawat driver. Nariyan din ang malupit na hagupit ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.
Ngayon napaisip tuloy ako lalo, si Manong ba talaga ang "garapal", "pasaway", "bakaw" kung nagsusumikap siyang pakainin ang kanyang pamilya kahit na sunod-sunod ang pagmamalupit sa kanya. O "sila"... silang hindi na natinag sa taas at tumatapak-tapak sa iilan upang makakuha ng ganansya.
That's why I came to realize the reasons of every jeepney driver. It is not their fault and they are not the ones to be blamed becase as all of you can see, isa rin siyang bikitma. Biktima ng mapagsamantala.
Saka, (segue lang), panahon na rin na maging disiplinado sa oras at magkaroon ng tamang time adjustment and allotment. Ikaw din naman ang may kasalanan kasi gigising ka ng tanghali.
Jeepney: king of the roads.
May naghahari pa pala sa mga "hari ng kalsada".
parang makina at manggagawa...oo nga, pota ang mga dambuhalang kumpanya ng langis. tsk
ReplyDelete