Thursday, April 23, 2009

The Puppy Metaphor

Once my Soc Sci Prof. Domingcil joked in our class, "Wala namang originality ang mga aktibista ngayon. Tuta, tuta, eh panahon pa ni Marcos 'yung tuta. Dapat lumaki na.. ang tagal na 'nun. Dapat Gloria, aso!"

Everyone laughed except me. For those who do not know anyhting about what he is tackling it is funny (perhaps?).

However, they did not get the metaphor. Activists tag the government "tuta" because it is very loyal to its master--the foreigners, the US particularly. A starting pup is trying to find love and comfort so it will do anything for its master. That is why it is "tuta".

And the "tuta"-ness of this government has rattled the whole country again. For the nth time, they have favored the foreigners. And why the heck am I using the foreign language?

P*tang ina! Ito talaga ang una kong reaksyon matapos kong malamang pinawalang-sala ng Court of Appeals ang rapist na si Daniel Smith. Ngunit hindi na kataka-takang ganito ang magiging senaryo sa isang pamahalaang subok na sa pagtalikod sa mamamayang Pilipino.

Sa umpisa pa lang, kitang-kita na agad ang panghihimod ng puwet ng mga nasa pedestal sa dayuhan na hindi malayong magpalaya kay Smith... na nangyari na nga!

At anong "spontaneous romantic episode" na pinagsasabi ng CA? E di sana hindi siya basta-basta tinapon na lang sa tabi-tabi if it is a "romantic episode". Romantic? Grabeng insulto kay Nicole at sa Pilipina! Tae! 

Sana, dinamitan siya kahit papaano tapos hinatid sa tirahan niya. Common sense. 

Kung tutuusin, dalawa lang ang kailangan para masabing rape ang isang scenario. Una, walang consent ang isang party at pangalawa, may evidence na nagkaroon ng sexual encounter. At kayang suportahan ng mga ebidensya na wala naman talagang consent dahil una, ayaw ni Nicole or kung lasing man siya, still, wala siya sa tamang wisyo magdesisyon at ikalawa, kitang-kita ang condom na ginamit pa ni Smith na may semen pa niya!

The justice system in the Philippines is rotten to its core. (Ooppss.. foreign language!) Hindi na yata dapat Court of Appeals kundi Court of Puppets, Cowards and Clowns.

Muli, hindi pro-people kundi pro-foreigner talaga ang pamahalaan. Masunurin. Tapat. Tagahimod ng puwet. VFA pa lang eh. Tatsulok pa rin. At dapat nang baligtarin ang tatsulok.   

Ngayon sir, justified na ba ang tuta?
Tatawa ka pa ba sa joke ni Sir if this is the scenario the joke is pertaining to?

Monday, April 20, 2009

Pssst... boboto ka?

While watching the TV, it is our favorite past time to name commercials before showing up its "tag name" until...

"Sama-sama tayo... Lalaban tayo.."
"Ang naghihirap para sa pamilya, hindi dapat pinahihirapan..."

"Kuya commercial ba ito," my nephew asked and he shouted *well, better not to mention because it will be one form of his campaign*.

Marami na ang nagpaparamdam dahil sa susunod na taon, Presidential Election na. At sa tantiya ko, ang pinakamagulong eleksyon sa kasaysayan ng Pilipinas.

Hindi lamang apat o lima ang napaparamdam ng kanilang pagtakbo sa pagkapangulo. Kung pagbabatayan ang ilang publicity, party endorsements at campaign tactics na lumalabas, tinatayang walo ang maglalaban.

Sino-sino ang iboboto mo? Boboto ka ba ngayong eleksyon?

Marahil isa ka sa maraming magsasabing "Anong sense?", "Sila sila rin naman." "Wala namang pagbabago." "Magdadayaan lang 'yan."

May punto ka kasama. Actually, most of your arguments are true. But then again, let's have a closer look.

"Sila sila rin naman." 
Elite. Ruling class. One Percent. Sila pa rin naman ang bumubo ng mga traditional parties na tumatakbo kada halalan. Mga negosyante, mga babad na sa politika ng Pilipinas, mga mayayaman. Paano nga nmana silang makapaglilingkod at makakapagrepesenta kung hindi naman sila galing sa batayang masa?

Kaya nga natatag ang Makabayang Koalisyon ng Mamamayan o MAKABAYAN-- ang nag-iisang partidong nagmula sa hanay ng masa at magtutungo sa hanay ng masa. Ang partidong binuo ng iba'tibang progresibong organisasyon, personalidad at partylist na subok na sa pakikipaglaban sa karapatan ng mamamayan. Masasabi na natin ngayong may mgrerepresenta nang tunay sa mamamayan.

Bukod pa rin, patuloy pa rin ang existence ng mga progresibong partylists gaya na lamang ng ACT, Kabataang Pinoy, COURAGE, Bayan Muna, Gabriela at ANAKPAWIS na hindi nagsasawang maglingkod sa mamamayan at patuloy na lumalahok sa halalan. Dito, nairerepresenta talgang tunay ang mga "marginalized sectors" ng lipunan.

"Anong sense?"

Bago ka mag-angas itanong mo muna sa sarili mo kung ang basic obligation mo bilang mamamayang Pilipino ay nagawa mo. Tama. Basic obligation ang pagboto at nakahihiya namang angal ka ng angal kung mismong obligasyon mo ay hindi mo ginagawa.

"Magdadayaan lang naman."

Kaya't ang iyong obligasyon ay hindi lamang natatapos sa pagboto. Alam mo na palang may anomalya, papabayaan na lang ba. Sayang naman ang efforts ng pagboto kung madadaya lang kaya itodo na at bantayan hanggang kahuli-hulihan!

"Wala namang pagbabago." 

Sigurado ka? Sa isang punto tama pero hindi ang kabuuan. Marami nang napatunayan ang mga progresibong lider natin. Kaya't kung hahayaan na lamang nating kainin na tayo ng sistema, wala tayong pinag-iba sa mga trapong pinagpipilian natin tuwing eleksyon.

Ang parlyamentaryong pakikibaka ay ikalawa lamang ngunit ito'y nanatiling esensyal. Hindi eleksyon ang sagot sa pagbabago ng sistema. Ngunit dahil sa eleksyon, nakakakuha ng ganansya't pakinabang na makapag-aambag sa paglilikha ng magtatapon sa bulok na sistemang umiiral.

18 years old ka ba o mas matanda pa? Puwede na.
Boboto ka ba? Dapat lang. 




Sunday, April 19, 2009

Love on People's Struggle

"Kahit napaka-indibidwalista, naging masaya ako partly after niyang mag-lielow. Faster healing."
"Healed ka na ba talaga?"
"Totally."

Masaya ako noong nakaraang gabi.

Actually, ito ang turning point na hinihintay ko. Hindi upang buksang muli ang relasyon namin. Kundi ibalik (kahit papano) 'yung naging pagkakaibigan namin. 'Yung pagiging magKASAMA namin. 

"Love does not consist of gazing at each other, but in looking otgether in the same direction" -Antoine de Saint Exupery.

Una pa lamang, alam ko na ang esensya at mithi ng (naging) relasyon namin. Hindi lamang ito pampuno sa kung tawagin ng burgesya ay physiological needs. Kung tutuusin, sekondarya lamang ito. 

Ang mas tinutuon nito ay ang pagpapaunlad pa sa aming mga saril bilang mga organisador at aktibista. Mas pagpapaunlad pa ng landas na aming tinatahak at pagtingin sa pagbubuo ng pamilyang magpapatuloy ng laban ng sambayanan. Dito ang lundo ng lahat.

Ngunti hindi mekanikal ang mga kasama. Kaya nga kahit pangalawa lang ang "sex love", nanatili pa rin itong esensyal sapagkat ito ang nagpapatampok nang kung ano ang nararamdaman ng indibidwal.

Masaya akong magkaalinsabay na nagmamahal ako at nag-aambag ako. Masaya akong nakakapagmulat ako ng mga isipang hindi bukas sa uri ng aming relasyon.

Tama. Mapagpalaya. Kaya nga KR ang bansag at hindi BF o GF dahil sabi nga ni Janinn, ang pakikipagrelasyon ay hindi lamang nakukulong sa heterosexual.

Ngunit, hindi maiiwasan ang pag-iral ng kontradiksyon. May mga kontradiksyong napangingibabawan ngunit may ibang hindi. Walang absoluto ngunit hindi ko sinasabing walang matagumpay na relasyong nakapaloob sa organisasyon.

Mag-iisang taon na kaming hiwalay at may kanya-kanya ng buhay-pag-ibig. Papanindigan ko lang ang binitiwan kong salita kay Julie. OO. naging indibidwalista ako at nagpupuna ako roon. Kaya nga masaya akong hindi na kami nagkaka-ilangan.

Dahil nagkakaroon ako ng kalayaan muli sa kanya. Hindi upang mahalin siyang muli kundi ang organisahin siya.

Thursday, April 16, 2009

Sessionista

Sabihin nating hindi ko naman talaga trip uminom ngayon.

Actually, ang habol ko lang talaga kapag iinom ako with my other relatives ay videoke. Kasi it's one way of releasing all my stress. Sarap kumanta at ever since passion ko ang kumanta. That's why I am wondering kung bakit ba ako nagpahatak sa tawag ng pulang kabayo.

Bago pa magstart ang session, marami na akong bagahe. Lovelife, acadz, pressure sa work at lalong lalo na sa family. Kaya siguro dumating sa point na go na ako kahit hindi ko naman talaga trp.

At dahil hindi ko nga trip, wala akong napala at lalo lang akong nademoralisa.

Lubusan ang pag-inog nang kung tawagin natin ay "macho culture" kapag dating sa inuman. Natatanong ko tuloy kung ganoon ba talaga ang takbo ng usapan ng mga straight people... diretso SEX. At ang malupit pa, hindi ko matanggap na ginagawang object of sex ang mga babae.

Kung puwede lang talgang manapak, nanapak na ako. Hindi kasi malulon ng sistema kong naalipusta ang kababaihan at nababansot ang kanilang silbi sa pagtugon sa tawag ng laman ng mga lalake. Pero as usual, it all boils down to culture. And the culture that has been promulgated to us ay ang culture ng naghaharing-uri.

Sa pagkakaroon pa lang ng mga sexy at hubad na babaeng nag-eendorso ng mga alak, kitang-kita agad ang pang-aalipusta sa kababaihan. Hindi pa kasama na sa mga video ng videoke, mga hubad na babaewng pa-pose-pose ang ipinepresenta.

Lalo lang tuloy akong na depressed sa kulturang macho shit na nakita ko.

Ngunit dapat lamang itong hugutan ng inspirasyong baguhin ang kultura't sistemang umiiral. Kung saan, papasok na ang pantay na trato sa lahat ng kasarian at mapapawi na ang diskriminasyon.

PS: Matatawag ko palang mga "walang bayag" ang mga taong naglalasing upang pag-usapan lamang ang mga babae bilang "objects of sex" since humuhugot pa sila ng pampalakas ng loob at init ng katawan sa espiritu ng alak. Mga mapagpanggap. 

Monday, April 13, 2009

Initial thoughts...

I've just read eppie's and mikko's blog a while ago... It had hit me asking "Why not create my own?"

So here it is... tackling any issue under the sun BUT YET, without setting aside the political line.

So ang bottomline ng lahat ay inggit... haha.. just kidding...

Siyempre, ang unang tanong bakit ka nagsusulat? Para ba magpa-impress, magsalsal ng salita o basta lang magkaroon ng saluhan ng katas ng mga ideya at kalokohan? 

Bilang manunulat, dapat alam mo ang purpose mo kung bakit ka nagsusulat at dito ako resolved.

I write in order to touch minds. 
I write in order to mobilize.
I write for the people.